I wish you could understand…

I’ll be doing the following post in Filipino, my home language, just because I feel that I can truly express myself.

Kahapon pa ako malungkot. Kami ng asawa ko. At sa panahong ito, isa lang makakapagpalungkot sa amin ng matindi. Pwede mo na ding sabihin na nagsisisi kami sa isang desisyon na ginawa namin ilang buwan na ang nakakaraan. Di bale na ang perang nawala, pero ang emotional investment namin, yun ang grabe. Lalo na din siguro sa akin kasi sobra ang effort na binigay ko talaga. Higit pa sa sarili kong pamilya.

Pag ang isang tao kasi may nagawa sa akin na hindi maganda, lalo’t wala akong ginagawa sa kanya, mabilis at matagal ako magtampo. Nakakapagsisi ba na sana sa mas importanteng mga tao sa akin ko na lang ginugol ang panahon ko. Sa mga mas nangangailangan. Sa mga wala nang masandalan. Mas marami kasing mas kawawa pa kaysa sa kanya. Isa pa naman ako sa sumusuportang matindi sa kanya. Pero balewala lahat sa salita lang ng iba.

Nagkaroon na din kasi kami ng alitan dati. Pero dahil taon din ang binilang ng pagbabati namin, at dahil malapit siya sa puso ng asawa ko, sinubukan kong ibalik at higitan ang naging relasyon namin. Ngayon, pahiya ako sa sarili ko. Pahiya ako dahil ipinilit ko pa. Ang tanging consolation na lang ay nasubukan ko. Kahit ano pa ang sabihin ng iba. Sinubukan ko.

Siguro nga ay di niya ako maintindihan. Sarado ang utak na dapat naka-sentro sa kanya ang atensyon ng lahat. Di pwede sumimangot or magwalang bahala sa harap niya. Maraming dapat. Pagod na din ako. I can’t please anybody when I don’t feel well or am too busy.

Kaya ko isinulat ito ay dahil sa baka-sakaling mawala ang nararamdaman ko at maibuhos dito.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s